Home Entertainment Mariel Rodriguez, Pinanganga ang mga Fans sa Bagong Sexy Transformation Niya!

Mariel Rodriguez, Pinanganga ang mga Fans sa Bagong Sexy Transformation Niya!

Sa panganganak ni Mariel Rodriguez, hindi maiwasang magkaroon rin ng pagbabago ang kanyang katawan. Matapos maipanganak ang kanyang pangalang baby girl na si Gabriela, aminado si Mariel na unti-unti na ring nawala ang kanyang slim figure. Ngunit kahit pa nagbago na ang katawan ni Mariel, hindi maipagkakailang hindi pa rin kumukupas ang kanyang ganda.

Ngunit may ibang mga bashers na nag-iiwan ng hindi magandang komento tungkol kay Mariel. Sa social media, may ilang tao na pumupuna sa biglaang pagbabago ng kanyang katawan.

Ngunit dinededma lang naman ito ni Mariel, dahil ayon sa kanya, ang mahalaga ay naaalagaan niya ng mabuti ang kanyang mga anak.

Bukod pa dito, aminado rin si Mariel na may kinalaman sa kanyang pagbe-breastfeed ang pagbabago ng kanyang katawan.

Dati ay nais daw ni Mariel na magpa-breastfeed sa kanyang mga anak hanggang sa sila ay umabot ng isang taong gulang. Dahil dito, kailangan din ni Mariel na kumain ng marami upang magkaroon siya ng milk supply.

Ngayong malaki na sila Isabella at Gabriela, napagdesisyunan ni Mariel na mas pagtuunan ng pansin ang kanyang sarili! Sa katunayan, ibinahagi ng aktres na mayroon siyang balik-alindog program upang magbawas ng timbang. Kasabay dito ang kanyang striktong diet at exercise.

“Today, ngayon I’m 155 pounds! I already lost a total of 42 pounds. Kulang pa po. Itong dress na suot ko po ngayon is still a large. Siyempre ang pangarap ko is small to medium. Iyong medium lang, nako, magpapa-party na ako!”

Nitong nakaraang Valentine’s day lang ay ginulat ni Mariel ang kanyang mga fans sa social media. Sa Instagram, ibinahagi ni Mariel ang kanilang intimate dinner kasama ang kanyang mister na si Robin Padilla. Kitang-kita kung gaano na kalaki ang pagbabago sa katawan ni Mariel!

Maraming netizens ang nakapansin na malaki na rin ang ibinawas ng timbang ni Mariel. Ayon kay Mariel, ang pinakamahalagang bagay ay confident ka sa iyong sarili ano man ang timbang mo.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow at mag like sa aming Facebook page.