Home Entertainment Lovely Manalo, nakatanggap ng Php200k mula sa kanyang asawang si Benj Manalo...

Lovely Manalo, nakatanggap ng Php200k mula sa kanyang asawang si Benj Manalo matapos niyang sabihin na sumakit ang kanyang ulo!

Trending ngayon sa social media ang mag-asawang Lovely at Benj Manalo dahil sa kanilang naging successful na pamumuhay dahil sa online selling. Kahit na kasagsagan ng pandemya hindi ito naging hadlang upang maisakatuparan nila ang kanilang mga pangarap sa buhay. Dahil nga bibihira na lamang sila sa telebisyon kaya naisip nilang mag negosyo na lang online na siyang pumatok naman dahil hindi na kailangan pang lumabas ng bahay ang mga tao upang mamili. Dahil sa kanilang pagsisipag at pagtitiyaga sa online selling nakapagpundar sila ng sarili nilang bahay.

At dahil din sa kanilang pago-online selling nakakaipon sila ng kanilang savings maliban sa kanilang kinikita sa trabaho. Sa isa ngang nakakaaliw na post ni Lovely sa kanyang official facebook account, ibinahagi niya ang kanyang natanggap na reward mula sa kanyang asawang si Benj.

Ibinahagi ni Lovely ang screenshots ng naging conversation nila ni Benj kung saan ang napa-wow ang mga netizens dito. Sa facebook post kasi na ito ni Lovely, kanyang sinabi na siya ay ina-allergy at masakit ang kanyang ulo. Sinabi naman ni Benj kay Lovely na magpahinga na ito at kung bakit ang aga nitong magising.

Ayon kay Lovely, nagising umano siya dahil nag-alala siya na baka hindi makarating sa kanilang bahay ang delivery ng kanilang EMS kaya kulang di-umano siya sa tulog na naging dahilan ng pagsakit ng kanyang ulo. Sabi naman ni Benj na uminom lang siya ng gamot pang-allergy at padadalhan niya ito ng tumatangingting na Php200k sa mismong bank account ni Lovely. At laking gulat na naman ni Lovely ng padalhan siya ni Benj ng isang screenshot ng proof of transaction ng Php200k na pinadala sa kanya.

Narito ang kabuuang post ni Lovely,

“P.S di pala alam ng iba na pwede nila enroll ang Bdo account ng pagttransferan nila palagi ng pera at maximum ng 1M. Sana makatulong sa mga di nakakaalam nabasa ko lang sa comment section, kala nila hanggang 50k lang.”

“Share ko lang sa inyo, maganda talaga ang magsabi ng totoo sa mga asawa natin, hahahahaha.. Excited talaga akong magwork today!!! Thank you babe Donbie Manalo Love you!!!”

Dahil sa post na ito ni Lovely maraming netizens ang nainggit. Kaya umani ito ng samu’t-saring mga komento na naaaliw sila at tila gusto na rin nilang magkaroon ng allergy at sumakit ang ulo.