Home Entertainment Angel Locsin, pinahanga ang mga netizens sa kanyang biglang pagpayat, Neil Arce...

Angel Locsin, pinahanga ang mga netizens sa kanyang biglang pagpayat, Neil Arce napa sabi ng “on my way”

Ginulat ng aktres na si Angel Locsin ang mga netizens matapos niyang ipakita ang body transformation, tatlong buwan matapos niyang umpisahan ang kanyang pagpapapayat.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Angel ang progreso ng kanyang 800-calorie diet na inumpisahan niya noong June.

“Remember to love every inch of you,” ani Angel sa kanyang Instagram post.

Ilang celebrities ang tuwang tuwa sa progreso ng diet ni Angel.

Ilan sa mga nag comment na kilalang personalidad ay sina Loisa Andalio, Kakai Bautista, Ryza Cenon, Tim Yap, at Zsazsa Padilla.

Kahit ang asawa nitong si Neil Arce ay hindi naiwasan na mag iwan ng komento.

“On my way” ani Neil.

Matatandaan na nakaranas noon ng pangungutya si Angel mula sa ilang netizens dahil sa biglaan niyang pagdagdag ng timbang.

Ngunit sinabi niya na hindi siya nagpaapekto dito at tinanggap niya kung ano man ang nangyari sa kanyang katawan.

“Buti na lang mahal ko ang sarili ko at nirerespeto ko ang sarili ko, dahil ang katawan na ito ay maraming pinagdaanan. Maraming na-achieve din naman at marami pa akong maa-achieve. Kung wala ang katawang ito, wala si Angel Locsin. Wala ako dito. Wala akong kabuhayan. So, I am just really grateful,” ani Angel sa panayam sa kanya noong July 10.

Nag umpisa na lumobo ang timbang ni Angel ng magkaroon siya ng kondisyon sa kanyang spine.

Lubos siyang naapektuhan ng kanyang kondisyon at kahit ang kanyang pagbabalik sana noon bilang Darna ay hindi na natuloy.

Dahil sa kondisyon niya ay hindi siya maaring mag ehersisyo ng matindi at kailangan niya ring uminom ng mga gamot na may side effect na magpapadagdag sa kanyang timbang.

“Noong bumalik ako ng workout, umiyak ako, eh. Naramdaman ko ‘yung mga hindi ko na puwedeng gawin. Dati kasi feeling mo superhero ka talaga, kaya mong gawin lahat,” paliwanag niya noon sa isang panayam.