Home Manila Pambansang Lola Na Si Lola Damiana, Namaalam Na

Pambansang Lola Na Si Lola Damiana, Namaalam Na

Si Lola Damiana ay isa sa mga kilalang personalidad ngayon sa YouTube matapos maitampok ang kwento ng kaniyang buhay ng ilang mga content creators tulad nina Val Santos, Matubang, Kalingap RAB, TechRam, at iba pang mga YouTube vloggers.
Naantig ang raming netizens sa kwento ni Lola Damiana na nakakaranas ng matinding kahirapan na nag-udyok sa mga mabubuting pusong indibidwal na magabot ng tulong pinansyal sa matanda.

Marami ding mga vloggers ang tumulong at itinampok si Lola Damiana sa kanilang mga YouTube vlog.

Ang mga mabubuting vloggers ay nagawang alisin si Lola Damiana mula sa matinding kahirapan na pinagdadaanan nito at binigyan siya ng mas maayos at komportableng buhay. Gayunpaman, may problemang nangyari sa pagitan ng pamilya ni Lola Damiana at ng mga vloggers dahil sa personal na dahilan.

Makalipas ang ilang linggo, nakaranas naman ang Pambansang Lola ng ilang mga kumplikasyon sa kaniyang kalusugan at hindi matukoy na s4kit. Dahil sa kaniyang edad ay nahirapan na din si Lola Damiana sa kondisyon ng kaniyang kalusugan.

Kamakailan lamang nga ay inanunsyo ng YouTube vlogger na si Val Santos Matubang na pum4naw na si Lola Damiana bandang 10:28 ng gabi noong Martes, Setyembre 21. Ang nakakalungkot na balita ay kinumpirma ng apo ni Lola Damiana na si Kuya Bernie.

Sa kasamaang palad, hindi pa naman nagbibigay ng iba pang detalye at impormasyon ang pamilya ni Lola tungkol sa sanhi ng kaniyang p4gkamatay. Bumuhos naman ang pakikiramay ng online community mula sa naiwang pamilya ni Lola Damiana.

Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:

“Rest in peace lola damiana..miss ka nmin na sumusubaybay sau mula ng umpisa ng makita ka n kua val”

“Rest and peace Lola Damiana. Hnd kna makakaranas ng skit at hirap kapiling muna Si Lord”

“Kuya Val napakalaki ang naitulong k Lola Damiana at napasays nia ito kahit da msiklinh panahon, ung mga anak talo cla ng malasakit ni kuya zbal sa kanilang anak.”