Home Entertainment Mamahaling sasakayan ni Ion Perez, umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa...

Mamahaling sasakayan ni Ion Perez, umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens

Bukod sa kanyang mamahaling motor na nagkakahalaga ng tatlong milyon, kamakailan lang ay nag trending ang bagong bago at mamahaling sasakyan ni Ion Perez.

Matatandaang galing sa hindi gaanong mayamang pamilya ang hunk celebrity na si Benigno Dungo Perez o mas kilala bilang Ion sa It’s Showtime. Siya ay nakilala ng maging escort sa isang sikat na segment ng It’s Showtime na Ms. Q.A.

Sa nasabing segment ay nakasama niya si Ate Girl Jackie Gonzaga na kalaunan ay naging ka love triangle niya kay Vice ganda.

Noong una ay tila biruan at tuksuhan lang ang pagiging sweet ni Ion at Vice sa isat isa. Marami ang nag akala na ginagawa lamang ito ng dalawa para sa mga manonood.

Marami ang kinikilig sa tambalan nilang tatlo ni Jackie at Vice. Kasabay ni Jackie ay dito narin nagsimula ang sobrang pagsikat ni Ion. Marami ang sumubaybay sa kanila ni Vice dahil sa binibigay nilang saya at kilig sa madlang people.

Kasabay ng pagsikat ni Ion ay ang pag usbong ng relasyon nila ng Unkabogable Star na si Vice Ganda. Dito nga ay hindi na napigilan ang kasikatan ni Ion at naging kabi-kabila narin ang kanyang projects tulad ng pelikula at mga endorsements.

Ang una niyang pelikula na sinamahan ay ang Mang Kepweng na pelikula ng malapit na kaibigan ni Vice na si Vhong Navarro.

Todo suporta naman si Vice Ganda sa kanyang kasintahan sa bagong project nito. Sinabi niya na masaya siya para sa boyfriend dahil nagkaroon na ito ng pelikula.

Ang huli namang proyekto na napabalitang magbibida si Ion sa isang séxy film na ginagawa nila ng s3xy vlogger-actress na si Sunshine Guimary.

Napabalita noon na magkakaron sila ng dáring scene kung kaya’t marami ang nag alala para sa relasyon nila ng showtime host.

Ngunit sinigurado naman ni Ion na si Vice lamang ang kanyang mamahalin. Samantala, sinabi naman ni Vice na sobrang proud sya kay Ion sa panibagong nakamit nito na proyekto at sinabi niya na nakuha ni Ion ang proyekto ng hindi ginagamit ang tulong niya.

Dahil sa dami ng natatanggap na trabaho ng hunk celebrity hindi nakakapagtaka na makabili ito ng mamahalaing mga gamit.

Kamakailan lamang ay nagpost si Ion ng kanyang larawan sa instagram kasama ang bago niyang mamahaling kotse.

Bago ito ay nagpost siya ng larawan ng kanyang mamahaling motorbike.

Marami ang nagulat at humanga dahil sa halaga ng mga gamit na napundar ni Ion.

Marami ang naghahaka-haka na ito raw ay regalo ng kanyang kasintahang si Vice, ngunit ang iba naman ay sinabing baka pinag ipunan ito ng matagal na panahon. May sarili umanong kinikita si Ion kaya kaya nitong bumili ng sariling gamit. Umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens.