Makahulugang post ni Kiko Estrada na isang ahas, pinagkaguluhan ng netizens!

Usap usapan ngayon ang tila isang cryptic post na ibinahagi ng aktor na si Kiko Estrada sa kanyang instagram stories.

Nito lamang mga nakaraang linggo ay napabalita ang biglaang pag un-follow ni Kiko sa kasintahang si Heaven Peralejo.

Binura na din ni Kiko ang lahat ng mga sweet na larawan nila ni Heaven sa kanyang Instagram account. Hindi nagbigay ng ibang pang detalye tungkol sa kanilang relasyon si Kiko.

Hindi naman nagtagal ay si Heaven naman ang nag unfollow sa aktor. Ito ay napansin ng kanilang mga fans noong September 19, 2021.

Matapos i-unfollow si Kiko, mapapansing wala na rin sa Instagram account ng dalaga ang mga posts niya kasama ang aktor.

Dito na umugong ang mga balitang hiwalay na ang dalawang kapamilya stars. Marami ang nagulat sapagakat nitong nakaraang buwan lamang umamin ang dalawa sa kanilang relasyon.

August 30, nang ibahagi ni Kiko ang pagdiriwang nila ng kasintahang si Heaven ang kanilang ikatlong buwan ng pag iibigan.

Nagpalitan pa silang dalawa ng mga sweet messages sa post ni Kiko tungkol sa kanilang third monthsary.

Hinala ng ilan ay pinagseselosan ng aktor ang bagong ka-love team ni Heaven na si Gino Roque.

Samantala, ayon naman sa batikang showbiz insider na si Ogie Diaz na mayroon umano siyang showbiz insider at kinumpirma nito na hiwalay na nga talaga sina Heaven at Kiko. Si Ogie ay dating manager ni Heaven.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin umiimik ang dalawa sa estado ng kanilang relasyon.

Sa gitna ng isyu ng hiwalayang, isang makabuluhang IG story naman ang ibinahagi ni Kiko. Ito ay isang video ng isang dilaw na ahas.

Maraming netizen naman ang nagsasabi su Heaven umano ang ahas na iyon. Dagdag pa ng netizen, ang dapat umanong nilagay na caption ng binata sa nasabing video ng ahas ay ay “me and my beautiful girl”

Ikaw ano sa tingin mo ang ibig saihin ng makahulugang post ni Kiko?