Home Entertainment AJ Raval, inamin na si Aljur Abrenica na ang manliligaw niya na...

AJ Raval, inamin na si Aljur Abrenica na ang manliligaw niya na “boyfriend material”

Ilang araw na ring usap-usapan sa social media ang pagkakamabutihan umano ni AJ Raval at Aljur Abrenica, lantaran ng inamin ng aktres na pinopormahan na siya ni Aljur.

Kamakailan lamang ay iniintriga sila ng netizen dahil sa topless na larawan ni Aljur sa labas ng bintana habang nagkakape na itinabi sa larawan ni AJ.

At sa eksklusibong panayam niya sa PEP.ph ay ibinulgar na ni AJ ang real score nila ni Aljur.

Tinanong ang aktres sa totoong namamagitan sa kanila ng Kapamilya actor na si Aljur. Kinilig at napatili pa ang dalaga ng sumagot ito sa media at deretsahang inamin na nagkakamabuihan na sila ni Aljur.

“Yes, totoo. Hindi ako magpapakaipokrita. Di na ako magsisinungaling, di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami.” Saad ng dalaga.

“Well, totoo naman na nag-uusap kami.”

Paglalahad pa ni AJ, si Aljur din ang tinutukoy niya sa vlog nila ni Donnalyn Bartolome na manaliligaw nya na “boyfriend material”

“Yes, siya. Nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other,” pag-amin pa ni AJ.

Ngunit sinabi naman ng aktres na wala apa sila sa punto na magakarelasyon dahil “they are getting there” na umano.

Sinabi naman ni AJ na hindi totoo ang mga lumabas na blind item ni Xian Gaza tungkol sa kanila ni Aljur. Ayon sa lumabas na balita, nagpupunta si Aljur sa kanilang bahay at doon ay may ‘tikiman’ nang naganap. Humingi naman umano ng paumanhin si Xian Gaza sa kaniya, at ginamit lamang umano ang isyu para mapag-usapan ang chismis app nitong ‘Isyus’. Minabuti na lamang ni AJ na sabayan si Gaza.

Base sa mga sagot ni AJ at mga reaksyon niya sinabi ng mga netizen na malinaw na may pag-asa ang manliligaw ni AJ, na ngayon ay pinangalanan niya na walang iba kundi si Aljur.

Narito ang video.