Home Entertainment Halos Maantala ang Kasal Dahil Di Kinaya ng Groom ang Ginawa ng...

Halos Maantala ang Kasal Dahil Di Kinaya ng Groom ang Ginawa ng Bride sa Harap ng Altar!

Para sa karamihan ng mag-asawa, talagang memorable ang kanilang wedding day. Sa espesyal na araw na ito, ganap na silang magiging mag-asawa at masasaksihan ito ng kanilang mga mahal sa buhay. Kaya naman tuwing sinasariwa nila ang kanilang wedding day ay puno ng pagmamahal at kilig ang kanilang nararamdaman.

Ngunit kakaiba ang wedding day story ng mag-asawang ito. Ang dapat ay malumanay na seremonya ay nauwi sa comedy matapos itong gawin ng bride sa harap mismo ng altar!

Ayon sa groom na si John Alvin Torrente, hinding-hindi niya malilimutan ang facial expression ng kanyang bride na si Ijo noong araw ng kasal nila.

Habang binibigkas ng bride ang kanyang wedding vows ay hindi nito mapigilang maging emosyonal. Napaiyak si Ijo, ngunit kasabay ng pagpatak ng luha nito ay lumobo rin ang kanyang sipon.

Nasaksihan naman ito ng groom, kaya naman labis na lang ang tawa ni John Alvin matapos masaksihan ang mukha ng kanyang bride.

“Alam niyo bang pag tapos ni Ijo bitawan yung wedding vow niya, lumobo yung sipon niya at mula nun di na ko nakinig kay father. Tumawa na lang ako ng tumawa hanggang matapos yung kasal. Hahaha sabi niya wag ko na ipagsabi pero 2 years naman na kaya baka pwede na ikuwento,” pahayag ni John Alvin sa kanyang viral na Facebook post.

Nagbahagi rin siya ng mga larawan kung saan makikitang tumatawa sila pareho ng kanyang bride. At dahil hindi mapigilan ng groom ang pagtawa, panandaliang naantala ang seremonya. Hanggang sa huli ay maging ang bride at iba pa nilang bisita ay natawa na lamang.

Sa kabilang banda, agad naman itong nag-viral sa social media. Maraming netizens ang naaliw sa nakakakilig na kwento ng mag-asawang ito. Sa ngayon ay mayroon na itong mahigit 136,000 likes at 66,000 shares mula sa mga netizens sa Facebook.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.