Home Entertainment Doktor, Ginulat ang Judge Matapos Umattend ng Hearing sa Zoom Habang Nasa...

Doktor, Ginulat ang Judge Matapos Umattend ng Hearing sa Zoom Habang Nasa Gitna ng Operasyon!

Sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic, maraming trabaho at proseso ang isinasagawa online upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Sa United States, karamihan ng court trials ay ginawa na ring virtual meeting ngayon gamit ang Zoom. Kamakailan lang, isang doktor ang umani ng iba’t-ibang komento online matapos magsagawa ng surgery sa kalagitnaan ng Zoom trial!

Isang plastic surgeon mula sa California ang nag-viral sa social media dahil sa kanyang kakaibang court appearance sa kanyang traffic trial. Ang surgeon ay kinilalang si Scott Douglas Green, na mayroong court appearance noong February 25. Ngunit sa laking gulat ng judge, umattend si Dr. Green sa trial habang nasa gitna ng operasyon!

Sa ilang screenshots, kitang-kita na nasa loob mismo ng operating room si Dr. Green habang ka-Zoom ang judge. Sa kanyang likod ay mayroon ring surgical lights at iba pang equipment, samantalang hindi naman kita sa frame ang kanyang pasyente. Mukhang hindi naman ito nagustuhan ng judge na si Gary Link.

Ayon sa judge, ayaw niyang mahati ang atensyon ng doktor habang nasa kalagitnaan ito ng isang operasyon. Nangangamba rin daw ang judge para sa kaligtasan ng pasyente.

“So unless I’m mistaken, I’m seeing a defendant that’s in the middle of an operating room appearing to be actively engaged in providing services to a patient. I do not feel comfortable for the welfare of a patient if you’re in the process of operating that I would put on a trial notwithstanding the fact the officer is here today,” ayon kay Judge Link.

Ngunit ayon sa surgeon, mayroon pa siyang isang doktor na kasama sa surgery, kaya naman kaya niyang ipagpatuloy ang court trail. Humingi rin ito ng dispensa sa judge: “I have another surgeon right here who’s doing the surgery with me, so I can stand here and allow them to do the surgery also.”

Sa kabilang banda, inireschedule naman ng judge ang kanilang court trial sa March 4. Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng Medical Board of California ang insidente.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.