Home Entertainment Trending Online! Aljur,Pinagsabihan! Reaksyon ni Jeric Raval sa naging Relasy0n ng Kanyang...

Trending Online! Aljur,Pinagsabihan! Reaksyon ni Jeric Raval sa naging Relasy0n ng Kanyang Anak na si AJ kay Aljur Abrenica-Viral…

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media tungkol sa namamagitan ng aktres na si AJ Raval at si Aljur Abrenica.

Matatandaan na bagong hiwalay pa lamang si Aljur sa kanyang asawa na si Kylie Padilla kaya naman marami sa mga netizens ang hindi maiwasang mapakomento sa bagay na ito.

Nanggaling kay AJ ang kumpirmasyon tungkol sa relasyon sa kanya ni Aljur sa guesting nila nina Andrew E. at Sunshine Guimary sa PEP Live para sa promo ng kanilang pelikulang Shoot! Shoot! Hindi Kita Titigilan.

Agad na pinag-uusapan sina Aljur at Aj matapos aminin ng actress na nililigawan siya ng actor at nasa stage na sila na”getting to know each other”.

Matapos nito ay agad din namang nagviral at talagang laman sa social media ang naging reaksyon ng ama ni AJ Raval na si action star Jeric Raval.

Nagsalita narin sa wakas ang action star na si Jeric Raval kaugnay sa namamagitan sa anak niyang si Aj Raval at sa actor na si Aljur Abrenica.

Batay sa naging artikulo ng Pep.ph ay may tatlong tanong raw si Jeric kay Aljur.

“Una kaming nagkita niyan sa PDEA office dahil inihatid niya ang anak ko.

“Dun ko siya unang nakausap at tatlong bagay lang ang itinanong ko sa kanya.

“Una, nanliligaw ba siya sa anak ko? He answered me, ‘Yes po.’

“Second, kung ‘ikaw ba ay hiwalay na?’

“Third, ‘Ano kaya ang sasabihin ko sa biyenan mo [Robin Padilla] kung aksidenteng magkita kami?'”

Nagpaliwanag rin si Jeric kung bakit raw iyon ang kanyang tanong kay Aljur.

“Kaya ko tinanong ‘yon dahil, unang-una, alam ko na anak ni Robin ang asawa niya.”

“Pangalawa, magkaibigan kami ni Robin, kaya hindi mo maiaalis sa akin na medyo mahiya sa sitwasyon dahil ayokong isipin ng mga tao o ninuman na ang dahilan ng pagkakahiwalay nila o third party, e, ang anak ko.”

“Sabi ko pa sa kanya, ‘I have nothing against you, kaya lang kaibigan ko ang biyenan mo. Kung in good faith naman ang panliligaw mo sa anak ko, well, then kailangan nasa ayos ang lahat.’

“Gaya nga ng nasabi ko, hindi magiging masaya ang isang relasyon kung may natatapakan.”

Ikaw, anong masasabi mo kaugnay sa namamagitan nina Aljur Abrenica at Aj Raval? Huwag mahiyang magbigay ng komento.