Julia Barretto,Inulan ng Komento matapos Nagbigay ng Mensahe sa mga Paulit-ulit na Nabigo sa Pag-Ibig

Agaw pansin ang love advice ng aktres na si Julia Barretto sa social media na kung saan ay umani ito ng sari-saring komento ng mga netizens.

Binigyan ng love advice ni Julia Barretto ang mga taong paulit-ulit na nabibigo sa pag-ibig.
Ayon kay Julia ay hindi raw dapat nawawalan ng pag-asa at sumusuko agad sa love dahil baka sa susunod ay tamang tao na ang dadating sa kanilang buhay.

“Huwag matakot na magmahal ulit. Give love a second chance again because it might be the one for you,” paalala ng dalaga sa mga broken hearted

Isa raw ito sa kanyang mga natutunan sa Viva Entertainment series na Di Na Muli kasama sina Marco Gallo at Marco Gumabao.

“Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Kapit lang!” giit pa niya.

Ayon pa kay Julia, normal lang ang masaktan kapag nagmamahal pero dapat daw ay matutong tumayo ulit at hindi ma-discourage.

“Don’t lose hope. Lahat naman tayo pinagdaanan yan!” pahayag ni Julia. “Actually, hindi lang sa pag-ibig. Maraming bagay sa buhay na minsan parang, ‘Ayoko na, huwag na lang. Nakakawalang gana. Nakaka-discourage.’ Pero huwag kang magpatalo,” dagdag ng aktres.

Naniniwala rin si Julia na may mga dahilan kung bakit kailangang pagdaanan ang masasakit na nakaraan sa buhay. At mare-realize lang daw natin yon kapag dumating na yung tamang tao sa buhay natin.

“Ang sarap kayang mawasak ang puso. Joke lang. Medyo may kurot na masakit, pero masarap siya kasi alam mong tumitibay ka. Pag na-o-overcome mo siya, ‘Ay, na-overcome ko ‘yon.’ Saad pa ni Julia

“Kaya ang sarap ng pain na yon kasi alam mo sooner or later ma-o-overcome mo siya. So, parang mas masarap kapag masaya ka na, kapag naramdaman mo na yung sakit na yon,” dagdag sabi.

Ano ang masasabi mo kaugnay sa love advice na ito ni Julia? Huwag mag atubiling magbigay ng komento kaugnay nito.