Super Tekla,Shoplifter? Hinarang Ng Security Guard ng Convenience Store si Tekla Dahil sa Nakita ng Roving Guard…

Aminado si Super Tekla na nasaktan siya nang napagkamalan siyang isang shoplifter matapos bumili ng isang bagay sa isang convenience store.

Sa report ng GMA 24 Oras, ibinahagi ng Kapuso comedian kung paano siya inakusahan ng isa sa mga tauhan ng tindahan na kumuha ng isang item pagkatapos niyang magbayad sa counter

“Palabas na ako ng pinto, at hinarang ako nung roving guard na girl, ‘Sir may kinuha po kasing ano sir, ‘yan lang po ba binili n’yo?’ ‘Yun ang approach niya sa akin,” saad ni Tekla

“So s’yempre na-shock ako. ‘Bakit ano problema?’ ‘Sir may kinuha po kasi kayong item nakita ko sa CCTV,'” dagdag sabi

Sinabi ni Tekla na gusto siyang kapkapan ng kawani at sini-search siya para sa item, na pinapayagan din naman niya.

Walang nahanap din naman.

Panoorin ang video:

Anong masasabi mo kaugnay sa nangyari kay Tekla? Huwag mag atubiling magbigay ng komento.