Aljur Abrenica, Itinurong si Kylie ang Unang Nangaliwa at Sumira ng Pamilya Nila

Mukhang hindi pa natatapos ang isyu ng hiwalayan ng celebrity couple na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Ang buong inaakala ng mga netizens ay ang third party ni Aljur ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa. Ngunit sa nakaraang statement ni Aljur, sa wakas ay binasag na niya ang kanyang katahimikan tungkol dito.

Nawindang ang mga netizens sa rebelasyon ng Kapuso actor ukol sa totoong dahilan ng hiwalayan nila. Sa kanyang nagdaang Facebook post, nanawagan si Aljur sa kanyang asawa na magsabi ng katotohanan. Hindi man niya diretsahang sinabi, nagpasaring si Aljur na si Kylie ang naunang nagloko.

“Kylie please tell them the truth. Don’t hide and disguise your comments, statement for your self-gain. Tell them who cheated first. Tell them who are you with right now. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you, not our family. The people deserves to know,” pahayag ni Aljur.

Dagdag pa ni Aljur, nang maghiwalay sila ni Kylie, mayroon daw silang usapan nito. Kaya naman sa kabila ng pambabatikos na natatanggap niya sa social media ay mas pinili niyang manahimik. Kahit pa nakakatanggap siya ng masasakit na salita at paninisi mula sa mga netizens, tiniis niya ito.

Ngunit hindi na niya kayang tiisin pa ang pangyayari, lalo’t may ibang tao na rin ang nadadamay. Ang tanging nakakaalam lamang ng totoo ay ang mga malalapit na kaibigan at kapamilya ng dalawa, ngunit panahon na daw para tapusin ang one-sided story na ito.

“I am sorry for asking these questions and for breaking our agreement of not speaking to the public. When your dad opened to the public his one sided story, I maintained my silence because of our agreement.”

“But now that people who supports us still throw accusations and reading your statements, it breaks my heart that you can sit still despite of the truth,” dagdag pa ni Aljur.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.