Cristy Fermin, ibinunyag na ginugutom umano ni Kylie Padilla si Aljur Abrenica dahil sa kanilang problemang pinansyal

Ginutom nga ba ni Kylie Padilla sa kanilang tahanan ang kanyang dating asawa na si Aljur Abrenica?

Mas tumitindi pa ngayon sa social media ang usapin tungkol sa hiwalayang Aljur at Kylie.

Marami nang nadawit na mga pangalan na siyang tinuturo na di umano’y third party at naging dahilan dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

Pero habang tumatagal, tila lalong lumalalim ang isyu at marami pang bagay ang nauungkat tungkol sa relasyong Kylie at Aljur.

Nag post kasi si Aljur sa kanyang Facebook page at hinamon ang estranged wife na si Kylie. Ayon sa aktor, dapat na daw sabihin ng aktres kung sino daw talaga ang unang “nagloko.”

Kaugnay nito, tinalakay din ni Cristy Fermin ang mainit na isyue na ito sa kanyang programa Cristy Ferminute.

Dito, may ibinigay na detalye si Cristy na galing daw sa kanyang source.

Ayon kay Cristy, ginugutom daw umano ni Kylie si Aljur noon.

“Ikinukwento nu’ng source na galing din sa kanila, umalis na nga lang sa kanila, na kapag dumarating daw si Aljur at magluluto ng pagkain ‘yung kanilang kasambahay, sasabihin (ni Kylie), ‘Wag ka na magluto, hayaan mo siyang magutom. Hindi naman siya ang gumagastos dito sa bahay.’”

May naging problema nga din ba pinansyal ang dalawa?

Pakinggan ang pahayag ni Cristy Fermin sa 25:38 mark ng video na ito:

Ano pong masasabi niyo dito?