Isang Sundalo na Nakipagkita sa Kanyang Ka-Penpal, Nagulat Matapos Makilala ang Katauhan Nito!

Sabi nga nila, hindi masusukat ang tunay na pagmamahal sa panlabas na kaanyuan. Kahit ano pa ang itsura ng isang tao, kung mahal mo siya ay hindi mo ito mapapansin. Sa ganitong paraan rin nasukat ang pagmamahalan ng isang sundalong ito at ng kanyang ka-penpal. Matagal na ring nagsusulatan si David at Kylie.

Noong una ay nagsimula sila sa pagiging magkaibigan. Laging nagsusulatan ang dalawa, lalo pa’t sa malayo naka-destino si David at lagi siyang naghahanap ng kaibigang makakausap. Nang maglaon ay nagkaroong ng relasyon ang dalawa, at dumating ang araw na plinano na ni Kylie at David na magkita sila sa kauna-unahang pagkakataon!

Sabik si David na makilala ang babaeng matagal na niyang nakakausap online. Usapan nilang magkikita sa Luneta, kaya naman maaga pa lang ay nakapustura na si David at nag-aabang kay Kylie. Sinabi ni Kylie ang suot niya, at nagulat na lamang si David nang makita niya ang totoong itsura ni Kylie!

May edad na si Kylie, at aminado itong nasa 40s na siya. Nagulat si David, dahil hindi niya akalain na may edad na pala ang babaeng kausap niya. Ngunit kahit pa hindi ito ang inaasahan niya, pumayag pa rin si David na kumain silang dalawa sa isang restaurant upang makamusta niya rin si Kylie.

Habang nag-uusap sila sa restaurant, nagulat na lamang si David nang biglang may lumapit na magandang babae sa kanilang table!

Ngumiti rin ang matandang babaeng kasama niya, at ipinakilala niya ang magandang dalaga. Ang dalaga pala ang tunay na ‘Kylie,’ at nanay naman niya ang unang nakilala ni David!

Ayon kay Kylie, nais niyang makilala ang tunay na ugali ni David, kaya naman napagdesisyunan niyang ilagay ito sa pagsubok. Nang makita niya na mabait at magalang pa rin si David kahit pa hindi nito inaasahang matanda ang makikilala niya, saka lamang napagtanto ni Kylie na mabuti ang kalooban ng lalaking minamahal niya.

Sa huli ay nagkatuluyan rin ang dalawa. Ikinasal sila sa isang simpleng seremonya, at sa ngayon ay nabiyayaan sila ng dalawang anak! Hanggang ngayon rin ay ikinekwento pa rin ni Kylie ang unang beses na nagtagpo sila ng kanyang asawa.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.